
DIYOS NA DAKILA
ni: John Aljay P. Traje
Mawawari kong Sa'yo lahat nagmula
Lahat ng bagay na aking nakikita
Sa langit, sa tubig at maging sa lupa
Na taglay Mong pagmamahal at hiwaga.
Sa unang araw ng Iyong paglilikha
Ang langit at lupa ang s'yang sinalita
Titirahan ng lahat ng pinagpala
Upang doon ay mamuhay ng payapa.
Sa ikalawa ay nilikha ang araw
Ng ating Mahal na Siyang nakatanaw
Upang araw-araw Siya'y makadungaw
At mundo'y mapagmasdan ang bawat galaw.
Sa ikatlong araw ay ang mga puno
Nagbibigay buhay at nagpapalago
At sa iba pang niyari ng Pinuno
Ni sino man ay hindi maglalaho.
Tubig at hayop ang nilikha ng Diyos
Sa ikaapat at ikalimang utos
Ito'y simula at hindi pagtatapos
Kahit kailan ay hindi mauubos.
Lahat ay kulang, hindi makukumpleto
Kung mawawala sa listahan ang tao
Nilikha at pinorma sa anyo Nito
Entero sa pagkakagawa't perpekto.
Sinasamba ka namin D'yos na Dakila
Sa pagmamahal at sa pag-aaruga
Nang mga bagay na sa iyo'y pinagpala
Mamumuhay Sa'yo kasama ang diwa.