
ISANG BANGKA
ni: John Aljay P. Traje
Maihahalintulad ang buhay sa bangka
Tayo'y pinapalutang ng siyang lumikha
Sa tubig ng buhay ng ibang tao
Upang subukin kung saan tutungo.
Sa ating paglalayag ay may layunin
Na siyang susubukang lakbayin
Ibat-ibang pagsubok ang tatahakin
Hindi patitinag sa anong lakas ng hangin.
Sa gitna ng kanyang paglalakbay
Mayroong bababa at mayroong sasakay
Sa bangkang lunan ay buhay
Kung matitinag o maiiwang matibay.
May bangkang lulubog at maglalaho
Hindi na maaabot at matutungo
Ang dapat lakbayin dahil siya ay susuko
Sa hampas ng alon at lakas ng bagyo.
May bangka namang magtatagumpay
Sa matinding agos ay hindi nagpatangay
Sa tibay at lakas na kanyang taglay
Ay maaabot ang tunay na pakay.
ni: John Aljay P. Traje
Maihahalintulad ang buhay sa bangka
Tayo'y pinapalutang ng siyang lumikha
Sa tubig ng buhay ng ibang tao
Upang subukin kung saan tutungo.
Sa ating paglalayag ay may layunin
Na siyang susubukang lakbayin
Ibat-ibang pagsubok ang tatahakin
Hindi patitinag sa anong lakas ng hangin.
Sa gitna ng kanyang paglalakbay
Mayroong bababa at mayroong sasakay
Sa bangkang lunan ay buhay
Kung matitinag o maiiwang matibay.
May bangkang lulubog at maglalaho
Hindi na maaabot at matutungo
Ang dapat lakbayin dahil siya ay susuko
Sa hampas ng alon at lakas ng bagyo.
May bangka namang magtatagumpay
Sa matinding agos ay hindi nagpatangay
Sa tibay at lakas na kanyang taglay
Ay maaabot ang tunay na pakay.
No comments:
Post a Comment